12 Common Mistakes to Avoid by a Newbie Networker

Newbie Networker

MISTAKE #1: Trying to understand everything

Dapat ma-realize natin na parang pag-aaral kung paano magbisikleta ang Networking Marketing Business…

  • Hindi natin matututunan ito kung babasahin lang natin ang manual
  • Hindi natin matututunan ito hanggang hindi natin uumpisahan magpidal
  • Isang paraan para matuto tayong mag-bike ay kung sesemplang tayo
  • Pero dahil dito, matututo din tayong HINDI na mahulog muli pagkatapos natin sumemplang

Ang karaniwang scenario kasi kapag sumali tayo sa Networking Business ay sinusubukan muna natin yung mga produkto, binabasa muna natin yung mga brochures, ina-analyze muna natin nang mabuti yung Compensation Plan at kinakabisado muna natin ang bawat member ng Management.

Ito yung dahilan kung bakit mabagal yung paglaki ng ating network.

MISTAKE #2: Reading every single book in the industry

Hindi ko ibig sabihin dito na HINDI na tayo magbabasa ng mga libro tungkol sa MLM. Kasi tulad ng sabi ko sa ibang mga training videos, kailangan natin maging life long learner. And actually, magandang habit ang pagbabasa.

Ang karaniwang mistake kasi ng mga Newbie Networker, ang akala nila kapag mas marami silang mababasa na libro, mas marami din silang pwedeng kitain.

Isa pang dahilan ay natatakot silang magkamali kapag kakausap na sila ng Prospect.

MISTAKE #3: Doing the business alone during the first 3 months

I-share ko lang itong short story na ito…

Meron isang experienced na negosyante. Sumali siya sa isang Network Marketing business at gusto niyang gawin ito sa paraan na alam niya.

Kaya ang ginawa niya, nagrenta siya ng opisina, nag-hire siya ng mga staff at bumuo siya ng Sales team na tulad ng isang typical na negosyo. Nag-invest siya dito ng humigit milyon din. And after 3 months ay walang naging resulta yung strategy na ginawa niya.

Ano kaya ang nangyari?

Isang dahilan ay hindi naman kasi tumatakbo ang isang Network Marketing business na parang isang typical na negosyo.

Yung mga staff at Sales team niya ay hindi pwedeng i-duplicate or i-leverage yung proseso.

Finally, sa Network Marketing business, meron tayong mga Upline or mentor na magga-guide at tutulong sa atin.

MISTAKE #4: Quitting our job

Pamilyar ba kayo sa old saying na: “If the only tool I have is a hammer, all my problems will look like nails

Ang nangyayari kasi kapag nag-quit tayo sa ating trabaho kahit HINDI pa stable yung income natin dito ay nagkakaroon tayo ng tinatawag na Financial Pressure sa isipan natin. Dahil dito, mas hindi tayo kikita at mawawalan tayo ng panggalaw.

Kapag ganito, ang tumatakbo na lang sa isipan natin ay Naku, kailangan ko nang mapasali si Prospect A kasi kailangan ko nang kumita.

So ang lumalabas nakikita natin si Prospect bilang isang money bag at nararamdaman nila ito na pwedeng maging dahilan para umiwas at layuan nila tayo.

MISTAKE #5: Selling the business itself

Kung pamilyar ka sa mga nakikita mo sa Facebook na mga postings tulad ng “JOIN ME NOW AND BE THE NEXT MILLIONAIRE“,  “BE PART OF MY TEAM NOW AND EARN UP TO…, ito yung ibig kong sabihin ng selling the business itself.

Hindi din natin sila pwedeng masisi kasi almost 80 – 90 % ng mga Newbie Networker ay hind naman na-train para maging Sales people.

Ang hinahanap na kasi ng tao ngayon ay solusyon sa problema nila.  So kailangan ay iposisyon natin yung ating opportunity bilang solusyon dito.

MISTAKE #6: Begging people to join

Tulad ng sabi ko ulit, ang laging pini-pitch ng mga Newbie Networker ay  “JOIN ME AND BE PART OF THE BEST COMPANY“, “BE PART OF MY TEAM NOW AND EARN UP TO…” or “KUMITA NG UP TO P20,000.00 GAMIT LANG ANG FACEBOOK” and etc.

Tama ba???

This is one way of begging people to join.

At dahil dito, gusto kong ipa-absorb sayo yung LOGIC na ito…

Kung the best talaga yung company mo… Kung number one talaga yung company mo… Bakit kailangan mong magmakaawa sa iyong mga Prospect para sumali sayo???

Kasi kung the best at number one ang iyong company, di ba dapat yung mga Prospect na ang kusang maghahabol para sumali sa iyong Networking business??

Dapat maunawaan natin na bilang distributor ay nasa atin yung ALAS. At yung mga Prospect natin ang may kailangan ng extra income at opportunity at TAYO YUNG TUTULONG SA KANILA para ma-realize nila ito.

Kaya hindi talaga natin kailangan mangumbinse at maghabol sa ating mga Prospect. Bagkus ang dapat gawin natin ay maging isang Leader sa mata nila by simply providing value on them. Value in the form of Knowledge and Leadership.

MISTAKE #7: Explaining the business over the phone

Ang purpose ng phone call ay para mag-invite lang. Period.

I-imagine mo na lang kung sa Phone Call ay nagpe-present ka na.. So ang pwedeng mangyari ay aabotin tayo ng ilang oras or minuto para i-present yung business tapos NO lang din pala ang sagot niya.

Or worst, oo lang ng oo si Prospect yun pala hindi siya nakikinig sayo. Ang problema kasi sa Phone call ay hind natin nakikita kung ano yung reaction niya sa mga sinasabi natin sa kanya.

Kaya hindi talaga adviceable na i-explain ang ating negosyo sa mga phone calls lang.

MISTAKE #8: Telling Prospects that it is NOT MLM or Networking business

Na-experience niyo ba na matanong ng: “Networking ba yan?” or “Pyraming ba yan?

Most of Newbie Networkers, kapag tinanong sila ng ganito ay madalas ang sagot ay…

Hindi a! Hindi siya Networking. Ano lang ito… Share share lang tapos kikita ka na…

Ganito din ba ang linya niyo sa mga objection na ito?

Kung iintindihin natin ito, HINDI naman natin kailangan  magtago or magsinungaling talaga sa ating mga Prospect na Networking Business yung inaalok natin sa kanila. Di ba?

Matalino na din kasi yung mga Prospect ngayon. At alam na nila kung Networking business ba ang ating inaalok or hindi.

Isa pa, dapat i-educate natin sila kung ano ba ang industriyang Network Marketing at maging proud tayo na nandito sa industriyang ito kasi isa itong Multi-Million Peso Industry.

Kaya imbes na sabihin natin na HINDI ito Networking at share share lang, ang pwede natin gawin ay magtanong, i-isolate at i-validate yung objection nila.

Pwede natin tanongin sila kung ano ba ang ibig sabihin nila ng Networking or Pyramiding. Pakinggan natin yung sagot nila para ma-address talaga yung totoong objection ni Prospect.

MISTAKE #9: Tricking our friends to an opportunity meeting

Actually, we are gaining nothing by hiding things from our friends.

Instead, dapat maging proud tayo sa ating ginagawa at propesyon. Dapat mag-sponsor  tayo using our CONFIDENCE and not tricking other people. 🙂

MISTAKE #10: Not being yourself

Ito yung pinakagrabeng mistake ng mga Newbie Networker.

I-imagine mo ang scenario na ito…

Halimbawa, meron kang kaibigan mula pa noong High School. Kapag magkasama kayo ay puros kalokohan yung ginagawa niyo. Kapag nag-uusap kayo ay puros non sense at walang katuturan. Tapos noong biglang nagkita kayo ay sasabihan mo siya ng “Pre, meron akong business opportunity na pwedeng magpabago ng buhay mo.!

BOOM….

For sure, pwedeng isipin ng kaibigan mo, “Naka-drugs ka ba??

Di ba??

In short, we should be ourself!

MISTAKE # 11: Emotional attachment

Dapat sa una pa lang ay maintindihan na natin na kapag nag-NO ang ating Prospect ay hindi ibig sabihin na nire-reject na nila tayo. MALI!

Kasi ang nire-reject nila ay yung business opportunity natin at hindi tayo mismo.

Ang Network Marketing business ay katulad din ng iba pang mga negosyo. Kapag sinamahan natin ito ng emosyon, DISASTER talaga ang mangyayari sa atin.

Pwedeng mali lang din kasi yung timing. Pwedeng meron lang din silang ibang bagay na iniisip. Or pwedeng meron pa silang ibang priority.

Dapat maintindihan din natin na kapag nag-NO yung ating mga kaibigan, we should still maintain the friendship. Tulad ng sabi ko, nag-NO lang sila sa opportunity natin at hindi sa atin mismo.

Isa pa, hindi porket hindi sila nag-join sayo ngayon e hindi na sila pwedeng sumali sa future.

Dapat maintindihan din natin na lahat ng ating ginagawa is just part of our business.

***Kapag nakapag-sponsor tayo, it’s just part of  the business!

***Kapag na-indian tayo or hindi tayo sinipot ni Prospect, it’s just part of the business!

***Kapag nakapagpa-multiple accounts tayo, it’s just part of the business!

**Kapag na-reject tayo, it’s just part of the business!

***Lahat ng nangyayari sa ating Network Marketing business is just part of the business.

At HUWAG TAYONG MAGING EMOSYONAL.

MISTAKE #12: Using the product before selling it

Ito yung pinakapaboritong palusot ng isang Newbie Networker.

Pamilya ba kayo sa linyang ito…

Hindi ko pa pwedeng umpisahan yung negosyo kasi hindi ko pa na-try yung mga produkto!

Ako, pamilyar ako kasi palusot ko talaga yan noon… 🙂

Oo, dapat talagang gamitin natin yung mga produkto ng kumpanya natin. Sabi nga nila, dapat tayo ang maging produkto ng ating mga produkto. TAMA YUN!

Pero hindi ibig sabihin nito na hindi natin uumpisahan na i-market yung ating business hanggang walang epekto yung produkto sa atin.

So ito yung 12 COMMOM MISTAKES ng isang Newbie Networker. Dapat maging conscious tayo sa mga ito para maiwasan natin sila at mas malaki yung chance na mapabilis yung paglaki ng ating network.

PS. Learn How to Sponsor 10 – 23 Downlines every month and make money in your Network Marketing company

PPS. Check this training video about the 6 Weird Question na dapat mong sagotin para malaman mo kung sino ang Target Market at Hungry Buying Customers mo na willing bumili at sumali sa’yo ng paulit-ulit

 

IMPORTANT: If you receive value from this article, please take time to COMMENTSHARE it on Facebook and Twitter. Your social participation is highly  appreciated.

About The Author

Kristoffer Valdez

Kristoffer M. Valdez here, creator of Top 10 Objections eBook, the Internet Selling Mastery Program for Pinoy Entrepreneurs dubbed as Pinoy Internet Selling System and all around good guy. If you’re looking for proven and tested strategies to generate TONS of Prospects and convert them into sale, then welcome aboard!

Facebook Comments

Leave A Response

* Denotes Required Field