2 Core Motivators that Influence your Prospect’s Decison

May 2 Motivators na nagti-trigger sa isang Prospect para gumawa ng desisyon:

1. Anticipation of Gain – yung mga bagay na pwedeng makuha ni Prospect kapag nag-join sila sa opportunity mo.

2. Fear of Loss – yung mga bagay na pwedeng mawala kay Prospect kapag HINDI sila mag-join.

Pwedeng ang tanong mo ngayon ay ganito, ano ba ang mas POWERFUL sa dalawa???

Karamihan sa atin ay naka-base ang presentation, sa pagkausap sa mga Prospect at mga postings sa Facebook sa kung ano ang pwedeng makuha nila (tulad ng comfort, additional income, convenience, at marami pa). Ito yung ginagawa nating motivation para gumawa ng desisyon si Prospect. At sobrang powerful talaga nito.

Pero base sa isang research, meron isang bagay na mas powerful na pwede mong gamitin para gumawa ng desisyon si Prospect. Ito nga ay yung “Fear of Loss“.

Okay, magbigay tayo ng ilang pwedeng pagbasehan ng research na ito…

Example #1:

Pansinin mo kapag Holy Week o Christmas Season kapag uwian time sa Probinsya, karamihan ng tao ay nagpapa-reserve na sa mga bus station o umuuwi na ng mas maaga. Meron kasi silang fear of losing the opportunity na hindi makauwi dahil punuan ang mga bus.

Example #2:

Pansinin mo kapag meron mga sikat na worldwide sensation na magko-concert sa ating bansa. Yung mga fans na gustong nasa harapan sila sa concert ay natutulog na sa mga kalsada sa gabi bago yung concert na yun. Meron kasi silang Fear of losing the opportunity na malapitan yung idol nila.

Example #3:

Madalas ay ginagawa ito ng mga hotel at mga airlines. Pansinin mo, kapag traveller ka at magbo-book ka, meron mga nakalagay na “3 seats left” o “1 day left before the price increase” o “only 1 more room available” at marami pang style at strategy.

At yung mga magbo-book sa mga hotel at airlines na ito ay kalimitan kailangan nang mag-book kasi meron silang fear of losing the opportunity na magka-discount sila, o fear of losing yung room na available o fear of losing yung upuan na available para dun sa particular na destination na pupuntahan nila.

Kung mapapansin mo, yung Fear of Loss ang nag-drive sa kanila para gumawa ng desisyon at yung Anticipation of Gain (o yung kung ano ang makukuha nila dito) yung nagiging resulta ng desisyon na yun.

Pwedeng ang tanong mo ngayon ay, “Paano ko ba pwedeng gamitin ang Fear of Loss sa aking opportunity?

Magbigay tayo ng isang malupit na halimbawa…

Ito yung tip dito, isipin mo kung ano yung benefit na makukuha ng Prospect mo sa iyong opportunity at baliktarin mo ito tapos iparamdam mo sa Prospect mo kung ano yung mawawala sa kanila kung hindi nila gagawin ito.

Parang ganito…

imbes na sabihin mo na… (halimbawa ito ng Anticipation of Gain)

IKAW: Kapag nag-join ka sa opportunity na ito at magtutulongan tayo at maging part ka ng team ko, pwede kang kumita ng up to P10,000.00 kada linggo.

Ang pwede mong sabihin ay… (halimbawa ito ng Fear of Loss)

IKAW: Kapag HINDI ka nag-join sa opportunity na ito, mawawawala sayo yung chance na makapag-tulongan tayo at maging part ng team ko, at yung chance na pwede kang kumita ng up to P10,000.0 kada linggo.”

Very simple yet very powerful approach.

Lahat ng tao, gusto nila yung idea na “makuha kung ano yung gusto nila” tulad ng kumita ng additional income. Pero kung matutunan mo yung idea na pwedeng mawala sa kanila yung kumita ng additional income, matutulongan ka nito na madala yung opportunity mo sa next level.

PS. Learn How to Sponsor 10 – 23 Downlines every month and make money in your Network Marketing company

PPS. Kung gusto mong magkaroon ng UNLIMITED NUMBER of high quality and super interested Prospects, check this Free Training Video Series

If you receive value from this article, please take time to COMMENTSHARE it in Facebook and Twitter. Your Social Participation is highly appreciated. Thank you.

About The Author

Kristoffer Valdez

Kristoffer M. Valdez here, creator of Top 10 Objections eBook, the Internet Selling Mastery Program for Pinoy Entrepreneurs dubbed as Pinoy Internet Selling System and all around good guy. If you're looking for proven and tested strategies to generate TONS of Prospects and convert them into sale, then welcome aboard!

Facebook Comments

Leave A Response

* Denotes Required Field