How NOT to Hard Sell or Tagged as Pushy Sales Man

Hard Sell

“The Healthy Do Not Need A Doctor – It Is The Sick Who Do!”

Lahat ng tao, nagkakasakit. At kapag nagkasakit tayo, madalas ay pumupunta tayo sa Doctor dahil naghahanap tayo ng gamot para dito.

Tanong…

  • Nakakita na ba kayo ng isang Doctor na nagha-Hard sell?
  •  Nakakita na ba kayo ng isang Doctor na pumupunta sa mga kalye at lansangan para magbigay ng flyers?
  • Nakakita na ba kayo ng isang Doctor na nagpo-post sa Facebook ng “Buy my medicines now and ease the pain of your flu?”

For sure ang sagot dito ay WALA!!

Ang typical scenario kasi ay pumupunta ang pasyente sa mga Doctor para humingi ng payo kung ano bang gamot ang ite-take nila para gumaling yung kanilang sakit.

In short, yung pasyente ay naghahanap ng solusyon dun sa sakit nila at yung Doctor ay  nagbibigay ng advice at nagre-recommend ng gamot para dun sa sakit ng pasyente.

Watch this full training video now:

 

Tanong ulit…

Paano naibebenta nung Doctor yung mga gamot sa pasyente niya without Hard Sell or being a Pushy Sales Man?

Ang sagot ay SELLING THE SOLUTION! Period!

Yung pasyente, naghahanap yan ng gamot para gumaling yung problema niya. Yung Doctor naman, inireseta niya yung gamot para gumaling yung pasyente at para masolusyonan yung problema niya.

Kaya sa madaling salita, para hindi tayo mag-Hard Sell or maging Pushy Sales Man, ang kailangang ibenta natin sa ating mga Prospect or Target Market ay yung solusyon dun sa problema nila.

Kung nasa Weight Loss Industry ka…

HINDI yung mga Diet Pills ang binili ng mga customers mo, kundi yung idea na makakatulong sa kanila yung mga Diet Pills na yun bilang SOLUSYON dun sa problem nila kung paano pumayat, maging fit at maging sexy.

Kung nasa Beauty Industry ka…

HINDI yung mga Facial Wash at BB Cream ang binili ng mga customers mo, kundi yung idea na makakatulong sa kanila yung mga Facial Wash at BB Cream na yun bilang SOLUSYON dun sa problema nila kung paano maging blooming at maganda.

At kung nasa MLM at Network Marketing Industry ka naman…

HINDI yung business opportunity mo ang binili ng Prospect mo, kundi yung idea na makakatulong sa kanila yung business opportunity na yun bilang SOLUSYON dun sa problema nila kung paano maabot yung mga pangarap nila.

Kung paanong may pangdagdag sila sa gastosin at pagpapa-aral ng mga anak. Kung paano sila magkaroon ng mas maraming savings at oras para sa kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.

Huwag na lang tayo lumayo, halimbawa  na lang ay ikaw…

Sumali ka ba sa business opportunity mo dahil gusto mo lang masabi sa sarili mo na Networker ka or Distributor ka?

For sure ang sagot dito ay HINDI!!!

Sumali ka sa business opportunity mo dahil pwedeng gusto mong magka-additional income.

Pwedeng gusto mong maging inspirasyon at tumulong sa ibang tao na ma-realize din nila ang mga desires nila sa buhay.

Pwedeng gusto mo ng mas marami kang oras at panahon sa pamilya mo.

Pwedeng gusto mong umuwi na sa Pinas dahil sawa ka nang maging OFW.

Pwedeng gusto mo ng extra savings.

O pwedeng gusto mo ng Time and Financial Freedom.

In short, sumali ka dahil meron isang bagay na gusto mong masolusyonan na problema sa sarili mo.

Ang tao ay HINDI bumibili ng produkto o business opportunity dahil ang binibili talaga nila ay yung SOLUSYON sa problema nila.

Hindi sila bumibili dahil sa Features ng produkto o business opportunity mo. Secondary na lang yun. Ang binibili ng tao ay yung Benefit na maibibigay nung produkto o business opportunity mo.

At lagi mo din tandaan na willing maglabas ng pera ang tao at gumawa ng paraan para magkapera para sa mga SOLUSYON  sa problema nila.

HOW TO SELL SOLUTION AND NOT TO HARD SELL?

Ihalintulad natin ngayon yung MLM at business opportunity mo kung paano i-prescribe ng Doctor sa pasyente (Prospect) yung gamot para dun sa sakit nila.

STEP 1. EXPOSE THEIR SICKNESS

Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pakikinig. Dapat pakinggan at unawain mo ng mabuti kung ano ba talaga yung problema ng mga prospect mo.

Unawain mo kung ano ba yung desire at gustong makamit sa buhay ng mga Prospect mo.

Ano yung tumatakbo sa isipan nila bago matulog at paggising sa umaga.

Ano yung kinakatakotan nilang mangyari kapag hindi nabigyan ng solusyon yung problemang yun.

Kapag nasagot mo na ang mga tanong na yan, yun ang babanggitin mo sa Prospect mo. Dahil yun yung magtutulak sa kanila para pakinggan yung sasabihin mong solusyon sa problema nila.

WATCH: 6 Weird Questions na dapat mong sagotin para malaman mo kung sino ang Target Market at Hungry Buying Customers mo na willing bumili at sumali sayo ng paulit-ulit

STEP 2. GENERATE INTEREST IN YOUR ‘MEDICINE’

Magagawa mo ito sa dalawang paraan:

  • Establish value. Mag-focus ka dun sa value na maibibigay ng produkto o business opportunity mo sa mga Prospect mo.

Makakapag-save ba sila ng maraming oras at panahon sa benefit ng produkto at business opportunity mo?

Yung pagbili ba ng produkto o pagsali sa opportunity ng Prospect mo ay  maiibsan ba yung kinakatakotan ilang mangyari sa buhay nila?

  • Engage and connect with them. Mag-build ka ng rapport sa kanila para magtiwala sila sayo. Kapag ganito, mas magiging open sila na bumili ng produkto or pakinggan yung opportunity mo. Ang tao kasi ay bumibili at sumasali lang sa mga taong kilala at pinagkakatiwalaan nila. At yung pag-build ng relationship mo sa kanila yung first step para ma-establish mo yung tiwala nila sayo.

STEP 3: HELP THEM BY GIVING YOUR SOLUTION TO THEIR PROBLEM

I-position mo yung sarili mo, yung produkto at opportunity mo bilang SOLUSYON sa mga problema ng mga Prospect at Target Customers mo. Dahil willing gumastos ang tao para sa mga solusyon at para sa kahit anong bagay na makakalutas sa mga problema nila.

PS. Check this little known secrets how to build a gazillion of qualified and super interested prospects for your business here

PPS. Join our Facebook Private Community here! Makakakuha ka dito ng mga tips at “How To” knowledge and strategies na pwede mong i-apply sa pag-market ng business opportunity mo. And it’s FREE!

 

If you receive value from this article, please take time to COMMENTSHARE it on Facebook and Twitter. Your social participation is highly appreciated.

 

About The Author

Kristoffer Valdez

Kristoffer M. Valdez here, creator of Top 10 Objections eBook, the Internet Selling Mastery Program for Pinoy Entrepreneurs dubbed as Pinoy Internet Selling System and all around good guy. If you're looking for proven and tested strategies to generate TONS of Prospects and convert them into sale, then welcome aboard!

Facebook Comments

Leave A Response

* Denotes Required Field