How to Develop the “YOU” Brand in Network Marketing

Network Marketing

Umpisahan natin ang topic na ito sa isang kwento…

Sa isang Network Marketing Company, merong apat na bagong distributor.

Si Distributor A, Distributor B, Distributor C at Distributor D.

Noong pagkasali na pagkasali nila, nag-isip agad sila kung paano nila ipapakita yung opportunity nila sa maraming tao  sa Social Media

Ang ginawa ni Distributor A, nag-post siya sa timeline niya: 

“Join my business now and earn up to P20,000.00 instantly. Ito na yung magpapabago ng buhay niyo”

tapos itinag niya si Anna, si Bianca at 48 pa na tao para mas maraming makakita ng opportunity niya.

Si Distributor B ang ginawa naman niya ay nag-create siya ng Chat Group. Isinama niya lahat dito yung mga friends niya sa Facebook. Tapos nag-post siya:

“Sino dito ang gustong kumita ng extra income? Baka makatulong sa inyo ito. PM me lang kung sinong gusto ng extra…”

Si Distributor C ang ginawa niya ay sumali siya sa maraming Facebook Group Page. Then nagpo-post siya araw-araw ng ganito:

” We are the BEST COMPANY in town. Kung gusto niyong kumita ng up to P5,000.00 gamit lang ang Facebook, you can pm me at 09123456789.”

Si Distributor D ang ginawa niya nag-post at nag-share naman siya ng mga ganito:

“3 Simple Steps How To Handle Objection”, “5 Ways To Close Your Prospect”, “5 Mortal Sins in Network Marketing” and etc.

Ang ginawa ni Distributor D ay nag-share muna siya ng mga valuable knowledge na nakaka-educate, nakaka-enlight, nakaka-empower at nakaka-entertain sa mga prospect niya.

Sa palagay mo, sino sa apat na Distributor ang may mas magandang personal brand or style na dine-develop sa pagma-market??

Remember that Network Marketing is a Relationship Building business.

People buy or join you because they trust and believe in you as a Leader na makakatulong sa kanila. They see you as a Leader with value and as a Leader with knowledge.

Check this video now:

 

6 Steps to Develop your “YOU” Brand In Network Marketing

Alam mo ba na crucial na mag-develop ng sariling brand or style? Para ma-differentiate mo ang sarili mo sa iba at para mag-stand out ka sa crowded market.

Itong 6 Steps na ito ay nabasa ko sa blog ni Anna Laura Brown way back 2 years ago at gusto ko siyang i-share ngayon.

Step 1: Decide what your unique talents, strengths, qualities and gifts are.

Lahat ng tao FOR SURE may sari-sariling talento at strengths.

Kahit Elementary graduate ka, meron ka pa din unique talent, strength at qualities na wala sa mga taong College grad, o mga may Doctorate degree o mga negosyante. And that makes every person unique. That makes every person special.

Isulat mo ang lahat ng ito. Isama mo din yung mga bagay na masaya kang ginagawa tapos i-highlight mo yung sa palagay mo ay makakatulong sa Network Marketing Career mo.

Halimbawa ay magaling ka sa public speaking o magaling ka mag-inspire ng tao. Unique gifts and talents ang mga yan na pwede mong magamit sa Network Marketing career mo.

Step 2. Develop some ideas as to how could you offer your talents and abilities in a Leadership Role within your team members and downlines.

Halimbawa magaling ka sa Public Speaking, pwede kang mag-conduct ng mga trainings sa mga team members mo at yun yung Leadership Role mo sa team niyo.

Kung magaling ka mag-inspire ng tao, pwede mong i-share yung kwento mo sa mga Prospect para mas ma-inspire sila. Pwede mong iparating na:

“Ako Elementary Graduate ako pero nakaya ko.. Kaya for sure, kakayanin mo din ito”. 

Yun ang magiging Leadership Role mo sa team niyo. At lahat ng mga ito ay halimbawa ng pwedeng Leadership Role mo sa team mo.

Step 3. Create an example of the item you are thinking about and show it to some leaders.

Gumawa ka ng summary nung gusto mong gawin at i-share sa’yong mga teammates at i-consider mo yung feedback nila ONCE NA BINIGYAN NILA NG ORAS na pakinggan yung gusto mong i-share sa kanila.

Step 4. What area/s do you focus on in your Network Marketing Business?

Mag-isip ka ng isa o dalawang area na sa tingin mo ay pwede mong i-focus yung Marketing Efforts mo para mas-mailabas mo pa yung unique talent, gift at strength mo.

Halimbawa ay Facebook Marketing, Educational Marketing, Internet Marketing, Blogging, Twitter Marketing, Home Parties at marami pang iba.

Step 5. Once you have chosen and begun to develop your area of focus, ask yourself the following questions:

a) How can I develop my unique brand and niche within my chosen area of focus?

b) What are the problems often encountered by many Network Marketers in this area?

c) What issues or difficulties are often encountered by distributors in my company when they try to focus on this area?

Dito na ina-apply yung Split Testing na tinatawag.

Halimbawa sa Facebook Marketing, ano bang strategy ang effective na gawin dito?

Yun ba yung posting and tagging?

Yun ba yung gumawa ng group chat?

Yun ba yung mag-post sa lahat ng Group pages?

Yun ba yung gumawa ng Facebook Fanpage at mag-share ng mga post na nakaka-enlight, nakaka-inspire at nakaka-entertain?

Yun ba yung mag-create din ng sarili mong group page?

So ang tanong dito ay kung ano ba ang effective na paraan kung gagamitin mo ang Facebook bilang Marketing Strategy…

TIP: Hindi mo kailangan gawin lahat ng options na yun para malaman mo kung ano yung effective at hindi. Kasi pwede mong gawing basehan yung Learning experience ng ibang tao. For sure, this could save you a lot of time.

Step 6. Use your answers to the questions above to develop you to finalize your unique “YOU” brand.

Balik tayo sa Facebook Marketing strategies sa step 5, ano sa mga paraan na yun ang sa palagay mo ay pinaka-effective para sayo para mas ma-develop mo yung mga strengths at special qualities mo at magkaroon ka nang EFFECTIVE na paraan para mag-sponsor at mag-recruit ng mga bagong downlines na matutulongan mo.

My “Own” Brand of Network Marketing

Ang unang ginawa ko ay tinanong ko muna ang sarili ko.

Question #1. Sino ba talaga ang Target Market ko?

Laging nao-overlook ito ng tao pero kailangan kasi na ma-identify kung sino ang Target Market natin para lahat ng effort at activities natin is to feed our Target Market with valuable knowledge tungkol dun sa negosyo natin.

Question #2. Incase makapag-sponsor ako ng bagong member, PAANO ko siya pwedeng maturuan at matulongan ng HINDI hadlang yung oras at yung location namin.

Yung brand na na-develop ko ay base sa dalawang question na ito.

Ang ginagawa ko ngayon na Marketing Strategay is Educational Marketing (Blogging), Facebook Marketing, Youtube Marketing and nag-create ako ng isang Training Website.

Isa-isahin natin ito…

Educational Marketing (blogging)

Ine-educate ko yung Target Market ko about Network Marketing. Nagse-share ako ng mga Do’s and Don’ts, mga tips and other “HOW TO” knowledge about the business.

Yung Target Market ko na ine-educate dito ay yung mga taong naghahanap ng Make Money Online Opportunities at mga naghahanap ng Home Base Business. Bonus na lang na ma-share ko din yung side ko about the industry sa iba pang mga Networkers.

Ang goal nito ay incase mag-decide sila na Network Marketing ang gawin nilang Home Base Business, naihanda ko na sila kasi marami na akong na-share na mga kaalaman tungkol sa Industry sa kanila. Kung baga kaonti na lang yung dapat ituro ko sa kanila about the business.

Facebook Marketing

Nag-create ako ng Facebook Fanpage. Yung mga ginagawa kong blog ay shine-share ko dito sa Fanpage na ito. Anyway, lahat naman kasi nito ay nakaka-empower, nakaka-educate, nakaka-enlight at nakaka-entertain.

READ: How to Attract TONS of Qualified Prospects Using the Internet

Maliban dito ay para magamit ko yung Facebook Ads. Para mas mabilis kong ma-reach yung Target Market ko at magkaroon sila ng Brand Awareness.

Meron kasing mga variables sa Facebook Ads tulad ng Interest, Age, Location at marami pa na pwedeng magamit para ma-reach natin yung Super Targeted Market mo.

Youtube (Video) Marketing

Gumagawa ako ng mga Training Videos at ina-upload ko siya sa Youtube. Naka-public ito para mas maraming makakita incase mag-search ang mga Prospect tungkol sa Network Marketing. At yung mga video na ito ay ginagamit ko (or sa Internet Marketing terms, in-embed ko para mapanuod nila doon sa blog ko) sa aking mga blog post.

In one way or another, naka-connect ang tatlong Marketing Strategy na ito. At ang main goal nito ay mag-Build ng  Authority sa ating industriya.

TRAINING WEBSITE

Gumawa ako ng Website na ang pwedeng maka-access lang ay mga team members ko. Ang laman nito ay mga trainings na naka-focus sa “HOW TO”.

How to Invite

How To Sort Qualified Prospect

How to Close them

How to Handle Objection

Scripts na pwedeng magamit sa pag-handle ng objections

Mga Marketing images na pwedeng pang-post sa social media.

How to use Facebook Marketing and other social media platforms

Basic tools and Softwares na pwedeng magamit sa pagma-market

at marami pang iba.

Pwede mong bisitahin yung Training Website na yun dito.

Ang pangalan nung Training Website ay Henyo World Program

Base kasi sa isang survey, ang gustong malaman ng mga bagong member ay mga “HOW TO” knowledge para magawa nila yung negosyo ng tama at effective.

Ang benefit ng  Training Website na ito ay HINDI NA PROBLEMA sa mga bagong member kahit nasa abroad o nasa probinsya pa sila. Hindi na din problema yung oras. Dahil kahit tulog ako, pwede silang mag-log in dun at matuto kung paano gawin yung negosyo. Or kahit pumasok ako sa trabaho ay pwede silang mag-log in dun para matuto kung paano gawin yung negosyo.

Ganun din sila sa mga magiging Downline nila.

LEVERAGING AT DUPLICATION AT ITS FINEST.

Ang maganda dito ay meron yung tinatawag na Affiliate Marketing Strategy kung saan bawat member ay magkakaroon ng unique Affiliate Link.

Kapag inapply nila yung knowledge na natutunan nila tungkol sa Facebook Marketing, Twitter Marketing at iba pang marketing strategy dun sa Training Website ay pwede nilang i-Market yung Affiliate Link nila ng tama.

Kapag may nag-click na Prospect sa unique Affiliate Link na ito, yung System ang magpe-present at magpa-follow up para sa kanila at lahat ng yun Automated. At malalaman ng System kung sino sa mga members ang nag-Sponsor dun sa downline dahil dun sa Affiliate Link nila.

Ang pinaka-advantage nito ay magagamit nila yung na-save nila na Time at Effort para mag-isip pa ng additional Marketing Strategies na pwedeng i-implement ng buong team. So exciting talaga siya.

Ito yung apat na Marketing Strategy na ginagawa ko na bumubuo nung “YOU” Brand ko.

I hope meron kayong nakuha na idea dito.

CONCLUSION

Developing the “YOU” Brand ay HINDI SHORT TERM.

It takes time!

It takes patience!

Habang nagde-develope ka ng “YOU” brand mo, dapat hinahasa mo na din yung mga Skills na na-acquire mo at nag-aaral ka din ng mga bagong knowledge.

Dagdag dito, i-evaluate mo din from time to time kung effective ba yung Brand na dinedevelop mo at lagyan mo ng konting twist kung sakaling hindi.

At siguradohin mo na lahat ng ginagawa mo sa Network Marketing career mo ay nagre-reflect dun sa unique na personality mo at dun sa brand na gusto mong i-establish sa Target Market mo.

Ang lagi nating mindset dapat ay:

“5 Years from now, kung hindi ako hihinto at maga-acquire lagi ng mga skills, siguradong magbabago ang buhay ko.”

Sigurado kapag ganyan yung mindset mo, it will open up more window of opportunity para sayo. Kasi yung maa-acquire mo na skill dun sa prosesong pagdadaanan mo in developing that “YOU” Brand ay pwede mong gamitin pa sa ibang business ventures.

Finally, maraming Marketing Ideas na pwede mong gawin. Pwedeng Offline Marketing. Pwede din Online Marketing. Lalo na ngayon na halos lahat ng tao ay nasa Internet na at marami ay naghahanap ng mga Make Money Online stuff.

Ang importante ay mag-focus ka dun sa mga Long Term Marketing Strategy kung saan masaya kang gawin. Double Edge Sword kasi siya. Hindi mo na iisipin na trabaho siya kasi nag-eenjoy ka dito at unti-unti mo nang nabi-build yung “YOU” Brand mo.

PS. Learn How to Sponsor 10 – 23 Downlines every month and make money in your Network Marketing company

PPS. Kung gusto mong magkaroon ng UNLIMITED NUMBER of high quality and super interested Prospects, check this Free Training Video Series

If you receive value from this article, please take time to COMMENTSHARE it on Facebook and Twitter. Your social participation is highly appreciated.

About The Author

Kristoffer Valdez

Kristoffer M. Valdez here, creator of Top 10 Objections eBook, the Internet Selling Mastery Program for Pinoy Entrepreneurs dubbed as Pinoy Internet Selling System and all around good guy. If you're looking for proven and tested strategies to generate TONS of Prospects and convert them into sale, then welcome aboard!

Facebook Comments

Leave A Response

* Denotes Required Field