How to Overcome Network Marketing Objections

Network Marketing Objections

Right now, dapat aware ka na na sa bawat pakikipag-usap mo sa’yong mga Prospect ay makakatanggap at makakatanggap ka ng isa, dalawa o ilan pang mga Network Marketing Objections.

What is Network Marketing Objections?

Bago natin talakayin kung paaano ma-overcome ito, pag-usapan muna natin kung ano ba ang Network Marketing Objections.

Usually, ang Network Marketing Objections ay:

  1. Paraan ng mga Prospect para makakalap ng additional information about your opportunity.
  2. Paraan ng mga Prospect para makaiwas gumawa ng isang desisyon.

In short, ang Network Marketing Objections ay HINDi ibig sabihin na nire-reject ka ng iyong mga prospect.

Mga senyales lang ito na meron pa silang concerns sa opportunity mo. Kaya HINDI mo talaga kailangan maging emotional na parang pasan mo ang buong mundo kapag nakakatanggap ka ng mga objections.

Kapag naintindihan mo kasi na ito ay normal, natural at paraan lang nila para mangalap ng additional information, then for sure mas malaki yung chance na mapasali mo sila.

Watch this full training video now:

 

Para ma-overcome ang mga Network Marketing Objections na ito sa unang pag-uusap pa lang ay dapat sundin mo ang 4 Tips na ito:

TIP #1. Ask the RIGHT Questions

TIP #2. Listen without prejudging

TIP #3. Discover the Prospect’s needs or what is missing in their lives

TIP #4. Tailor what you are offering to the need or discomfort they have expressed.

So ang pwedeng tanong mo is… “Bakit kailangan kong gawin ang 4 tips na yan?

Ganito kasi yan partner…

Mas magiging madali ang negosyo mo kung magtatanong at makikinig ka muna sa kanila. Dahil dito mo pwedeng malaman yung mga needs, wants, desires at problems nila.

Kapag alam mo na yung mga needs, wants, desires at problems nila, yun yung pwedeng gamitin mo na bala para silipin nila yung iyong presentation at ma-close mo sila sa opportunity mo.

By this time kasi, pwede mo nang i-posisyon yung negosyo mo bilang solusyon dun sa problema nila.

REMEMBER, kapag hahayaan mo sila na magsalita ng magsalita tungkol sa kung ano yung tumatakbo sa isipan nila, about dun sa kasalukuyang sitwasyon nila at kung ano yung pumipigil sa kanila para gumawa ng desisyon, mas madali mong malalaman yung mga concerns nila at kung ano yung pwedeng solusyon dito.

Sa ganito ding paraan, mas maa-appreciate ka nila at nakakapag-build ka pa ng Trust and Belief sa iyong mga Prospect kasi pinapakinggan mo yung mga concerns nila.

Ang lumalabas, para kang Consultant na nagbibigay ng solusyon sa isang kaibigan.

Sino bang tao ang may ayaw at umiiwas sa isang kaibigan na nakikinig at nakikisimpatya sa kanilang problema at nagbibigay ng payo para masolusyonan ito. Tama???

Kaysa naman sa maging “Pushy Salesman” ka at nangungumbinse para sumali sila sa team mo. For sure, ang mangyayari ay lalayuan at iiwasan ka nila.

And finally, tataposin ko ang article na ito para sabihing importante ang TIMING dito.

Kahit gaano pa kasi ka-effective yung pag-approach at pag-handle mo ng mga Objections kung mali naman yung timing ay pwedeng ma-reject ka pa din. So dapat lagi kang sensitive sa sitwasyon nila at i-follow up mo lang sila kapag okay na yung timing.

PSLearn How to Sponsor 10 – 23 Downlines every month and make money in ANY Network Marketing company

PPS. Kung gusto mong magkaroon ng UNLIMITED NUMBER of high quality and super interested Prospects, check this Free Training Video Series

If you receive value from this article, please take time to COMMENTSHARE it in Facebook and Twitter. Your Social Participation is highly appreciated. Thank you.

About The Author

Kristoffer Valdez

Kristoffer M. Valdez here, creator of Top 10 Objections eBook, the Internet Selling Mastery Program for Pinoy Entrepreneurs dubbed as Pinoy Internet Selling System and all around good guy. If you’re looking for proven and tested strategies to generate TONS of Prospects and convert them into sale, then welcome aboard!

0 Comments