Listening Skills: Why Important in Network Marketing?

Listening Skills

“THE MOST BASIC OF ALL HUMAN NEEDS IS THE NEED TO UNDERSTAND AND BE UNDERSTOOD. THE BEST WAY TO UNDERSTAND PEOPLE IS TO LISTEN TO THEM.” — RALPH G. NICHOLS

Ang dahilan bakit may mga negosyo ay para magbigay ng solusyon sa mga problema ng tao. Ang purpose ng MLM at Network Marketing ay para magbigay ng solusyon dun sa problema ni Prospect.

Kaya kapag kakausapin natin si Prospect, ang dapat gawin natin ay alamin yung problemang sumasagabal sa kanila. At tignan kung yung opportunity o service natin ay makakatulong ba para masolusyonan yung problemang yun.

Pero minsan, ito yung sistema…

Sinasabi na natin yung solusyon sa problema nila pero HINDI pa natin alam kung ano ba talaga yung totoong problema.

Ang typical scenario kasi ay ganito…

Kakamayan si Prospect tapos magpapakilala then ilalabas na yung Clear Book.

Babanggitin yung tungkol sa Company. Yung history nito, yung background ng Management. Minsan nga mula noong kabataan nung mga may-ari ay nakwento na.

Tapos iisa-isahin na yung Products. Minsan binabanggit pa kung ilang MG yung isang bote o kapsula. Or kung ilang ORAC value yung laman ng isang produkto.

Tapos isusunod yung Compensation Plan. Babanggitin kung magkano yung pwedeng kitain up to the 10th level and etc.

Pero natanong niyo ba sa sarili niyo kung ano yung tumatakbo sa isipan ni Prospect???

Maaaring ang tumatakbo kasi sa isipan nila ay ganito…

“Anong pakialam ko diyan sa ORAC VALUE na yan? Ano ba ang matutulong niyan sa akin? Nagsasayang lang yata ako ng oras dito. Matagal pa kaya?”

So ito yung typical na scenario…at pwedeng ito yung tumatakbo sa isipan ni Prospect.

According sa Impact Communications,

***70% of people make buying decisions to solve problem

***30% of people make buying decisions to gain something

Kung magba-base tayo sa survey na ito, paano natin masosolusyonan yung problema ng mga Prospect kung HINDI natin alam kung anu-ano ang mga yun.

Kaya ang unang DAPAT gawin natin lagi ay alamin kung ano yung problema nila. At magagawa nitin ito sa pamamagitan ng PAKIKINIG.

Kaya importante talaga ang Listening Skills.

Dahil kung mauunawaan natin ng mabuti si Prospect, makakahanap tayo ng “clue” na pwedeng gamitin para gumawa sila ng desisyon.

Lahat ng Prospect kasi gustong mapakinggan at maintindihan. At ibinabalik nila ito sa atin sa pamamagitan ng pagtitiwala which is a key factor in selling and sponsoring.

Kaya ang tamang order talaga ay…

STEP #1: LISTEN

STEP 2: SOLUTION

Minsan kasi nagiging excited tayo tungkol dun sa opportunity at products natin at ipine-present agad ito. Nakakalimotan natin yung mga “clue” na kakailanganin natin para ma-close sila.

Okay, magbigay tayo ng halimbawa…

Kunwari, kakausapin mo si Prospect. At noong nagkita na kayo dineretso ka kaagad ni Prospect at ang sabi ay…

PROSPECT: Bro, kailangan ko munang pag-isipan ito. Wala pa kasi akong extra time. Naka-focus kasi ako ngayon sa mga school activities ng mga anak ko. Kaya wala talaga akong oras sa ngayon.

Ngayon, kung sa unang dinig natin, “Walang extra time si Prospect

Pero kung iintindihin natin ito ng mas malalim, may “clue” na binitiwan si Prospect.

Sinabi kasi ni Prospect na naka-focus siya sa school activities ng mga anak niya kaya wala siyang oras.

So kung meron tayong Listening Skills, ang pwedeng sabihin natin ay ganito…

IKAW: Nauunawaan kita Prospect… Pero ano kaya ang pakiramdam kung meron kang full-time income sa negosyong ito upang sa ganun pwede mong ibigay ang lahat ng oras at panahon mo sa kanila at sa bawat school activity nila??

Abangan mo na dito ngayon yung susunod na clue na sasabihin sayo ni Prospect. 🙂 🙂 🙂

Sa halimbawang ito, ang pinag-uusapan na ninyo ni Prospect ay yung totoong issue na nararanasan niya.

Tulad ng sabi ko, gusto ni Prospect na mapakinggan at maunawaan. Kapag ibinigay natin ito sa kanya sa pamamagitan ng PAKIKINIG mas nakakapag-build tayo ng rapport at trust.

[Get Access Now] Learn  How to Recruit 10 – 23 Downlines Every Month and Make More Money  in ANY Network Marketing Company

TIPS TO IMPROVE OUR LISTENING SKILLS

1. Maintain eye contact.

Ang kawalan kasi ng eye contact sa ating mga Prospect ay pwedeng ang ibig sabihin nun ay hindi tayo interesadong pakinggan sila.

2. Exhibit appropriate Facial Expressions.

Ang isang effective na pakikinig ay pwede din natin ipakita thru non verbal gestures. Halimbawa, kung naiintindihan natin yung sinabi ni Prospect ay pwede tayong tumango dito.

3. Avoid distracting actions or gestures.

Hindi adviceable na palingon-lingon tayo or nilalaro natin yung ballpen sa mga kamay natin habang nagsasalita si Prospect. Kawalan din kasi ito ng respeto sa kanila.

4. Ask questions.

Kapag nagtatanong tayo ibig sabihin ay may gusto tayong linawin dun sa sinasabi ni Prospect. At gusto ito ni Prospect kasi ibig sabihin nun ay nakikinig tayo sa kanya.

5. Avoid interrupting the Prospect. Hayaan natin si Prospect na magsalita at taposin yung gusto niyang sabihin at iparating para makakakuha tayo ng “clue” kung paano natin ipoposisyon yung opportunity natin bilang solusyon.

6. Keep an open mind.

Dapat pakinggan natin si Prospect ng hindi hinuhusgaan yung mga sinasabi niya. Kung halimbawang na-offend ka sa sinasabi niya, huwag mong sabihin na “Diyan ka nagkakamali. Ganito, ganyan and etc.

Dapat ilagay natin lagi yung sarili natin sa paa nila. Tandaan natin na yung mga sinasabi ni Prospect ay yun yung tumatakbo sa isipan nila at lahat ng ito ay importante para sa kanila. Isa pa, ito din kasi yung gustong iparating at ipaintindi nila sa atin.

Dahil lahat ng ito ay mga “clue” kung paano natin ipapakita yung opportunity natin bilang solusyon dun sa problema nila.

PS. Kung pagod at sawa ka na sa mga Frustrations, Rejections at walang  resulta, check out this Powerful Marketing and Duplication Strategy para lumaki agad yung Dowline Organization mo

PPS. Join our Facebook Private Community here! Makakakuha ka dito ng mga tips at “How To” knowledge and strategies na pwede mong i-apply sa pag-market ng Networking mo. At marami pang UNANNOUNCED BONUS. And IT’S FREE!

 

If you receive value from this article, please take time to COMMENTSHARE it on your Facebook and Twitter. Your social participation is highly appreciated.

About The Author

Kristoffer Valdez

Kristoffer M. Valdez here, creator of Top 10 Objections eBook, the Internet Selling Mastery Program for Pinoy Entrepreneurs dubbed as Pinoy Internet Selling System and all around good guy. If you’re looking for proven and tested strategies to generate TONS of Prospects and convert them into sale, then welcome aboard!

Facebook Comments

Leave A Response

* Denotes Required Field