Success Soda: “Drink. Refresh. Success Is On Your Way!”

Success

Nakainom ka na ba ng Success Soda?

Drink. Refresh. Success Is On Your Way!” ang tagline nito

Sounds refreshing di ba?

Isang araw, habang nakaduyan sa ilalim ng mangga at ipinapahinga yung aking mata sa paggawa ng isang Training Video series, ay bigla akong napatayo at tumawa… (buti na lang walang taong nakakita)

Biglang naglaro ulit yung imahinasyon ko.

Sabi ko sa sarili ko…

“Oo nga ano, ano kaya kung may Success Soda? Yung tipo na kapag ininom mo siya ay magiging Successful ka INSTANTLY. Maraming datung. Nakakapasyal kasama ang pamilya kahit saan. At mabibili ang lahat ng gusto mo.”

Huh!!? OMG!? WTF Toffhel… Ewan ko sa’yo. Pinapatawa mo ako 🙂 🙂 🙂 Napaka-non sense mo. Walang ganun noh…

And that is EXACTLY the whole point of this story…

Want to know why?

Okay, ito yung promise ko sa’yo… Taposin mong basahin ang article na ito at malalaman mo yung totoong kwento sa likod ng Success Soda.

Deal?

First, i-imagine muna natin na totoo ang Success Soda…

Ano kaya ang pwedeng maging impact nito sa’yo, sa akin at sa lahat ng tao?

Sa dami ng bibili ng Success Soda dahil sa instant benefit nito, sino kaya ang mas mayaman ngayon? Si Henry Sy o yung nag-formulate ng Success Soda?

May pagsisisi kaya si Henry Sy sa lahat ng sakripisyo, puyat, pagod, frustrations, rejections niya noong pinapalago niya ang SM kung meron naman palang Success Soda na isang inom mo lang ay instant successful ka na?

May mga Inspirational at Motivational Speakers pa kaya tulad nila Bo Sanchez, Chinkee Tan, Tony Robbins and the late Zig Ziglar and Jim Rohn?

Meron pa kayang mahirap ngayon?

May mga tao pa kaya na napipilitan magnakaw, mangholdap o gumawa ng krimen para lang may maihain sa nagugutom na pamilya?

Magiging mindset pa rin kaya ng Pinoy ang: “Anak, mag-aral ka ng mabuti para magkaroon ka ng magandang trabaho” o aasa na lang ang kabataan sa Success Soda para sa instant asenso?

Meron pa kayang Network Marketing, Internet Marketing and other Business Opportunities na mage-exist?

May mga tao pa kaya na halos mangiyak-iyak sa pagse-share ng kanyang Sucess Story dahil sa sobrang hirap ng kanyang pinagdaanan para makamit ito?

May mga tao pa kaya katulad mo na willing gawin whatever it takes (Sacrifice, Puyat, Pagod, Frustrations, Rejections and Failures) para lang umasenso at maibigay yung maginhawang buhay para sa Pamilya at mga mahal sa buhay?

These questions may sound crazy and weird. Pero kung iya-analyze natin ito in Entrepreneur’s Point of View, sobrang laki ng epekto ng Success Soda.

Do you see the point now?

Success Soda is synonymous to Overnight Success and Get-Rich Quick Mentality.

Yung tipo na uminom ka ng Success Soda ngayon e bukas o makalawa asensado ka na o kumikita ka na ng limpak-limpak.

Yung tipo na hindi willing gumawa ng action. Naghahanap lang ng mga “dirty tricks” para kumita ng Instant Money. At nage-expect na parang may “Magic Tricks” silang matutunan ngayon then VOILA! paggising nila ay milyonaryo na sila.

Sad to say walang ganun!!!

Ang mga tao na meron ganitong mindset, sila yung ma-reject lang ng konti ay nafru-frustrate na.

Mahirapan lang konti, ang dami nang reklamo.

Nag-fail lang ng minsan, kino-convince na ang sarili na hindi para sa kanya ang Opportunity na sinalihan niya.

We are in a Real World. Kung ito ang mentality mo, then there is such thing as Success Soda available for you.

Kung meron man pagkapareho ang taong Successful at nagpe-fail, ito ay pareho silang dumaan sa mga disappointments.

Difference is yung isa, don’t get back up. Instead, they lay down and sleep on it. Yung isa naman ay nagtuloy-tuloy lang. Tinanggap na lahat ng disappointments ay parte ng proseso para umasenso. Naging maliwanag sa kanya na lahat ng ito ay dapat pagdaanan para mas tumibay siya.

Kung binabasa mo pa rin ang article na ito hanggang sa point na ‘to, Congrats and Thank You!

And allow me to share with you as my way of saying Thank You yung Right Mindset Structure na dapat meron ka kung may ginagawa kang Business Opportunity ngayon.

 

First Step is always building your Proper Foundation. Ito yung dapat maging base mo.

Your Foundation comprise of your knowledge and your skills. Your ability and knowledge to sell. Your ability and knowledge to market. And your ability and knowledge to sponsor.

Maraming tao dream of success pero hindi willing pagdaanan ang stage na ito. Hindi willing magbigay ng oras para mag-acquire ng mga bagong knowledge at skills. Sugod ng sugod pero wala naman dalang armas. In short, hataw lang ng hataw.

Kapag sinabing aralin ang skill na ito, tatanongin ang sarili kung bakit kailangan pa na gawin ito e pwede naman na ganito ganyan. At ito yung dahilan kung bakit mabilis tayong gumuho. Mahina ang pundasyon natin.

We should be passionate in acquiring new knowledge and skills. Parang magulang lang natin yan na nagbibigay ng advice: “Anak, mag-aral ka ng mabuti dahil yan lang ang nag-iisang bagay na hindi mawawala sa’yo.

Katulad din yan ng na-acquire mo na knowledge and skills, kahit anong business pa ang pasukin mo, kahit anong opportunity pa ang i-venture mo, for sure kayang-kaya mong mag-excel dito because you have the Right knowledge and the Right skills.

Trust me, kapag meron ka ng mga tamang skills at kapag alam mo yung mga effective na strategies para sa’yong Business Opportunity, you will be able to build it very fast.

Watch: 3 Important Skills You Need For Your Networking Business

After building your Proper Foundation, kailangan mong gumawa ng Action at i-apply agad ang lahat ng ‘yong natutunan.

Remember: “The distance between you and your dreams is called Action

Sa una, kapag iya-apply mo lahat ng knowledge at skills na matutunan mo ay magkakamali ka pa din. At sobrang normal lang nun.

Mare-reject ka pa din. Madi-disappoint ka pa din. At magpe-fail ka pa din. And it’s all part of the process.

Good News??? That is how Masters are created. And I’m sure, you’re on your way.

And lastly, Reward.

Reward is simply the result of all your Actions based on the Knowledge and Skills you acquired. Parang automatic na ito kapag bibigyan mo ng premium yung unang dalawa.

Sa totoo lang, yung pinaka-reward mo dito ay yung maibigay yung kaginhawaan at security sa pamilya mo at mga mahal sa buhay. Makatulong sa ibang tao by providing solutions to their problems. At yung masabi mo sa sarili mo na “pwede at kaya pala”.

So that’s it. Ito yung dapat na mindset structure natin. Kung maiintindihan natin ito ng mas maaga, mas mapapadali yung proseso. Kung magiging maliwanag sa atin ito, then walang pagsubok na hindi natin kayang lampasan sa ating negosyo.

Bottomline… Success Soda ay available lang para sa mga taong gusto ng shortcut patungo sa Success. At believe ako sa’yo dahil hindi ka isa sa kanila.

Ito na yung panahon para maging 100% responsible tayo sa ating buhay. Keep believing that you can do it and be unstoppable.

PS. Thank you so much and I hope meron kang nakuhang value sa article na ito. Kung meron kang nakuha, please like and share it on your Facebook, Twitter and other Social Media Accounts. Share it also with your teammates and downlines.

PPS. Watch this “Done For You” Income System that provides quality training and coaching for you to generate more leads, more customers and more sales for your business.

About The Author

Kristoffer Valdez

Kristoffer M. Valdez here, creator of Top 10 Objections eBook, the Internet Selling Mastery Program for Pinoy Entrepreneurs dubbed as Pinoy Internet Selling System and all around good guy. If you’re looking for proven and tested strategies to generate TONS of Prospects and convert them into sale, then welcome aboard!

Facebook Comments

Leave A Response

* Denotes Required Field